24Habang nakatingin si Haring Nebucadnezar bigla siyang tumayo sa laki ng kanyang pagkamangha. Tinanong niya ang kanyang mga opisyal, “Hindi baʼt tatlo lang ang itinapon sa apoy?” Sumagot sila, “Opo, Mahal na Hari.”
25Sinabi ng hari, “Tingnan ninyo! Apat na ang nakikita kong palakad-lakad sa gitna ng apoy. Hindi na sila nakagapos at hindi sila nasusunog. At ang isa sa kanila ay parang diyos.”
26Kaya lumapit si Nebucadnezar sa pintuan ng naglalagablab na hurno at tinawag sila, “Shadrac, Meshac, at Abednego, mga lingkod ng Kataas-taasang Diyos, lumabas kayo riyan. Halikayo rito.” At lumabas silang tatlo mula sa hurno.
27Pagkatapos, nagtipon sa kanila ang mga gobernador, alkalde, komisyoner, at ang iba pang mga opisyal ng hari. At nakita nilang hindi man lang sila napinsala ng apoy, ni hindi nag-amoy usok ang kanilang buhok o damit.
28Dahil dito, sinabi ni Nebucadnezar, “Purihin ang Diyos nina Shadrac, Meshac, at Abednego. Nagsugo siya ng kanyang anghel upang iligtas ang kanyang mga lingkod na nagtitiwala sa kanya. Hindi nila sinunod ang utos ng hari; minabuti pa nilang mapatapon sa apoy kaysa sumamba sa alinmang diyos maliban sa kanilang Diyos.