12Mayabong ang kanyang mga dahon at marami ang kanyang bunga na maaaring kainin ng lahat. Ang mga hayop ay sumisilong dito at ang mga ibon ay namumugad sa kanyang mga sanga. At dito kumukuha ng pagkain ang lahat ng nilalang.
13“ ‘Nakita ko rin sa panaginip ang isang anghel na bumaba mula sa langit.
14Sumigaw siya, “Putulin ninyo ang punongkahoy na iyan at ang mga sanga nito. Alisin ang mga dahon nito at itapon ang mga bunga. Bugawin ninyo ang mga hayop na sumisilong at ang mga ibon na namumugad sa mga sanga nito.
15Ngunit hayaan ninyo ang tuod sa gitna ng kaparangan upang maging talian ng bakal at tanso.” “ ‘Ang taong sinisimbolo ng punong iyon ay laging mababasa ng hamog at kakain ng damo kasama ng mga hayop.
16Sa loob ng pitong taon ay mawawala siya sa katinuan at magiging isip-hayop.