27Kaya Mahal na Hari, pakinggan nʼyo po ang payo ko: Tigilan nʼyo na po ang inyong kasamaan, gumawa kayo ng matuwid at maging maawain sa mga dukha. Kung gagawin nʼyo po ito, baka sakaling manatili kayong sagana.’
28“Ang lahat ng itoʼy nangyari sa buhay ni Haring Nebucadnezar.
29Pagkalipas ng isang taon habang namamasyal si Haring Nebucadnezar sa bubong ng kanyang palasyo sa Babilonia
30sinabi ng hari, ‘Talagang makapangyarihan ang Babilonia, ang itinayo kong maharlikang bayan sa pamamagitan ng aking kapangyarihan at para sa aking karangalan.’
31“Hindi pa siya halos natatapos sa pagsasalita, may tinig mula sa langit na nagsabi, ‘Haring Nebucadnezar, makinig ka: Binabawi ko na sa iyo ang iyong kapangyarihan bilang hari.