Daniel 4

“Sinabi ko, ‘Beltesazar, pinuno ng mga salamangkero, alam kong nasa iyo ang espiritu ng mga diyos at nauunawaan mo agad ang kahulugan ng mga hiwaga. Sabihin mo sa akin ang kahulugan ng mga pangitaing nakita ko sa aking panaginip.

Daniel 4:9 (UKJV) O Belteshazzar, master of the magicians, because I know that the spirit of the holy gods is in you, and no secret troubles you, tell me the visions of my dream that I have seen, and the interpretation thereof.

7Nang dumating ang mga salamangkero, manghuhula at mga astrologo, sinabi ko sa kanila ang panaginip ko, pero hindi nila maipaliwanag ang kahulugan nito.

8Nang bandang huli, lumapit sa akin si Daniel. (Pinangalanan siyang Beltesazar na pangalan din ng aking diyos. Nasa kanya ang espiritu ng banal na mga diyos.) Isinalaysay ko sa kanya ang aking panaginip.

9“Sinabi ko, ‘Beltesazar, pinuno ng mga salamangkero, alam kong nasa iyo ang espiritu ng mga diyos at nauunawaan mo agad ang kahulugan ng mga hiwaga. Sabihin mo sa akin ang kahulugan ng mga pangitaing nakita ko sa aking panaginip.

10Ito ang mga pangitaing nakita ko habang natutulog ako: Nakita ko ang isang napakataas na punongkahoy sa gitna ng mundo.

11Lumaki at tumaas ito hanggang sa langit kaya kitang-kita ito kahit saang bahagi ng mundo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.