Daniel 5

Nabalitaan kong marunong kang magpaliwanag ng kahulugan ng mga pangyayari at kaya mo ring lutasin ang mabibigat na mga problema. Kung mababasa mo at maipapaliwanag ang kahulugan ng nakasulat na iyan, pabibihisan kita ng maharlikang damit at pasusuotan ng gintong kuwintas. At gagawin kitang pangatlong pinakamataas na pinuno sa aking kaharian.”

Daniel 5:16 (UKJV) And I have heard of you, that you can make interpretations, and dissolve doubts: now if you can read the writing, and make known to me the interpretation thereof, you shall be clothed with scarlet, and have a chain of gold about your neck, and shall be the third ruler in the kingdom.

14Nabalitaan kong ang espiritu ng mga diyos ay nasa iyo at mayroon kang pambihirang kakayahan at karunungan.

15Ipinatawag ko na ang marurunong, pati na ang mga engkantador, upang ipabasa at ipaliwanag ang kahulugan ng nakasulat na iyon sa dingding, pero hindi nila ito nagawa.

16Nabalitaan kong marunong kang magpaliwanag ng kahulugan ng mga pangyayari at kaya mo ring lutasin ang mabibigat na mga problema. Kung mababasa mo at maipapaliwanag ang kahulugan ng nakasulat na iyan, pabibihisan kita ng maharlikang damit at pasusuotan ng gintong kuwintas. At gagawin kitang pangatlong pinakamataas na pinuno sa aking kaharian.”

17Sumagot si Daniel, “Mahal na Hari, huwag na po ninyo akong bigyan ng regalo; ibigay nʼyo na lamang sa iba. Ngunit babasahin ko pa rin para sa inyo ang nakasulat sa pader at ipapaliwanag ko ang kahulugan nito.

18“Mahal na Hari, ang inyong amang si Nebucadnezar ay ginawang hari ng Kataas-taasang Diyos. Naging makapangyarihan siya at pinarangalan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.