Daniel 5

Sumagot si Daniel, “Mahal na Hari, huwag na po ninyo akong bigyan ng regalo; ibigay nʼyo na lamang sa iba. Ngunit babasahin ko pa rin para sa inyo ang nakasulat sa pader at ipapaliwanag ko ang kahulugan nito.

Daniel 5:17 (UKJV) Then Daniel answered and said before the king, Let your gifts be to yourself, and give your rewards to another; yet I will read the writing unto the king, and make known to him the interpretation.

15Ipinatawag ko na ang marurunong, pati na ang mga engkantador, upang ipabasa at ipaliwanag ang kahulugan ng nakasulat na iyon sa dingding, pero hindi nila ito nagawa.

16Nabalitaan kong marunong kang magpaliwanag ng kahulugan ng mga pangyayari at kaya mo ring lutasin ang mabibigat na mga problema. Kung mababasa mo at maipapaliwanag ang kahulugan ng nakasulat na iyan, pabibihisan kita ng maharlikang damit at pasusuotan ng gintong kuwintas. At gagawin kitang pangatlong pinakamataas na pinuno sa aking kaharian.”

17Sumagot si Daniel, “Mahal na Hari, huwag na po ninyo akong bigyan ng regalo; ibigay nʼyo na lamang sa iba. Ngunit babasahin ko pa rin para sa inyo ang nakasulat sa pader at ipapaliwanag ko ang kahulugan nito.

18“Mahal na Hari, ang inyong amang si Nebucadnezar ay ginawang hari ng Kataas-taasang Diyos. Naging makapangyarihan siya at pinarangalan.

19Dahil sa kapangyarihang ibinigay ng Diyos sa kanya, ang mga tao sa ibaʼt ibang bansa, lahi at wika ay natakot sa kanya. Nagagawa niyang patayin ang sinumang gusto niyang patayin. At nagagawa rin niyang huwag patayin ang gusto niyang huwag patayin. Itinataas niya sa tungkulin ang gusto niyang itaas, at ibinababa niya sa tungkulin ang gusto niyang ibaba.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.