25“Ito ang mga katagang nakasulat sa dingding: Mene, Mene, Tekel, Parsin.
26“Ang ibig sabihin ng mga salitang ito ay: “Mene, bilang na ng Diyos ang natitirang araw ng paghahari mo at wawakasan na niya ito.
27“Tekel, tinimbang ka at nalamang ikaw ay nagkulang.
28“Parsin, hinati ang iyong kaharian at ibibigay sa Media at Persia.”
29Pagkatapos magsalita ni Daniel, iniutos ni Haring Belshazar na bihisan si Daniel ng maharlikang damit at suotan ng gintong kuwintas. At ipinahayag ng hari na siya ay magiging pangatlong pinakamataas na pinuno sa kaharian ng Babilonia.