1Pumili si Haring Dario ng 120 gobernador upang mamahala sa kanyang buong kaharian.
2Ang mga gobernador na itoʼy nasa ilalim ng pamamahala ng tatlong administrador, at isa sa kanila ay si Daniel. Ginawa ito upang hindi mahirapan sa pamamahala ang hari.
3Si Daniel ang natatangi sa kanilang lahat dahil sa kanyang pambihirang kakayahan, kaya binalak ng hari na siya ang gawing tagapamahala ng buong kaharian.