26Iniuutos ko sa lahat ng tao na nasasakupan ng aking kaharian na matakot at gumalang sa Diyos ni Daniel. “Sapagkat siya ang buháy na Diyos at nabubuhay magpakailanman. Ang paghahari niya ay walang hanggan, at walang makakapagbagsak nito.
27Nagliligtas siya at gumagawa ng mga himala at kababalaghan sa langit at dito sa lupa. Iniligtas niya si Daniel mula sa mga leon.”
28At naging maunlad ang buhay ni Daniel sa panahon ng paghahari ni Dario at sa panahon ng paghahari ni Ciro na taga-Persia.