Daniel 6

Iniuutos ko sa lahat ng tao na nasasakupan ng aking kaharian na matakot at gumalang sa Diyos ni Daniel. “Sapagkat siya ang buháy na Diyos at nabubuhay magpakailanman. Ang paghahari niya ay walang hanggan, at walang makakapagbagsak nito.

Daniel 6:26 (UKJV) I make a decree, That in every dominion of my kingdom men tremble and fear before the God of Daniel: for he is the living God, and steadfast for ever, and his kingdom that which shall not be destroyed, and his dominion shall be even unto the end.

24Nag-utos ang hari na ang lahat ng nagparatang kay Daniel ay hulihin at ihulog sa kulungan ng mga leon pati ang kanilang asawaʼt mga anak. Hindi pa sila sumasayad sa ibaba ng kulungan ay sinunggaban na sila ng mga leon at dinurog ang kanilang mga buto.

25Pagkatapos ay sumulat si Haring Dario sa lahat ng tao sa ibaʼt ibang bansa, lahi at wika sa mundo. Ito ang nakasulat: Nawaʼy mas lalo pa kayong sumagana!

26Iniuutos ko sa lahat ng tao na nasasakupan ng aking kaharian na matakot at gumalang sa Diyos ni Daniel. “Sapagkat siya ang buháy na Diyos at nabubuhay magpakailanman. Ang paghahari niya ay walang hanggan, at walang makakapagbagsak nito.

27Nagliligtas siya at gumagawa ng mga himala at kababalaghan sa langit at dito sa lupa. Iniligtas niya si Daniel mula sa mga leon.”

28At naging maunlad ang buhay ni Daniel sa panahon ng paghahari ni Dario at sa panahon ng paghahari ni Ciro na taga-Persia.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.