Daniel 6

Pagkatapos ay sumulat si Haring Dario sa lahat ng tao sa ibaʼt ibang bansa, lahi at wika sa mundo. Ito ang nakasulat: Nawaʼy mas lalo pa kayong sumagana!

Daniel 6:25 (UKJV) Then king Darius wrote unto all people, nations, and languages, that dwell in all the earth; Peace be multiplied unto you.

23Nang marinig iyon ng hari, nagalak siya at nag-utos na kunin si Daniel sa kulungan. Nang nakuha na si Daniel, wala silang nakitang kahit galos man lamang sa kanyang katawan, dahil nagtiwala siya sa Diyos.

24Nag-utos ang hari na ang lahat ng nagparatang kay Daniel ay hulihin at ihulog sa kulungan ng mga leon pati ang kanilang asawaʼt mga anak. Hindi pa sila sumasayad sa ibaba ng kulungan ay sinunggaban na sila ng mga leon at dinurog ang kanilang mga buto.

25Pagkatapos ay sumulat si Haring Dario sa lahat ng tao sa ibaʼt ibang bansa, lahi at wika sa mundo. Ito ang nakasulat: Nawaʼy mas lalo pa kayong sumagana!

26Iniuutos ko sa lahat ng tao na nasasakupan ng aking kaharian na matakot at gumalang sa Diyos ni Daniel. “Sapagkat siya ang buháy na Diyos at nabubuhay magpakailanman. Ang paghahari niya ay walang hanggan, at walang makakapagbagsak nito.

27Nagliligtas siya at gumagawa ng mga himala at kababalaghan sa langit at dito sa lupa. Iniligtas niya si Daniel mula sa mga leon.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.