Daniel 6

Nag-utos ang hari na ang lahat ng nagparatang kay Daniel ay hulihin at ihulog sa kulungan ng mga leon pati ang kanilang asawaʼt mga anak. Hindi pa sila sumasayad sa ibaba ng kulungan ay sinunggaban na sila ng mga leon at dinurog ang kanilang mga buto.

Daniel 6:24 (UKJV) And the king commanded, and they brought those men which had accused Daniel, and they cast them into the den of lions, them, their children, and their wives; and the lions had the mastery of them, and brake all their bones in pieces before even they came at the bottom of the den.

22Hindi ako sinaktan ng mga leon, dahil nagpadala ang Diyos ng kanyang mga anghel upang itikom ang mga bibig ng mga leon. Ginawa ito ng Diyos dahil alam niyang matuwid ang aking buhay at wala akong ginawang kasalanan sa inyo, Mahal na Hari.”

23Nang marinig iyon ng hari, nagalak siya at nag-utos na kunin si Daniel sa kulungan. Nang nakuha na si Daniel, wala silang nakitang kahit galos man lamang sa kanyang katawan, dahil nagtiwala siya sa Diyos.

24Nag-utos ang hari na ang lahat ng nagparatang kay Daniel ay hulihin at ihulog sa kulungan ng mga leon pati ang kanilang asawaʼt mga anak. Hindi pa sila sumasayad sa ibaba ng kulungan ay sinunggaban na sila ng mga leon at dinurog ang kanilang mga buto.

25Pagkatapos ay sumulat si Haring Dario sa lahat ng tao sa ibaʼt ibang bansa, lahi at wika sa mundo. Ito ang nakasulat: Nawaʼy mas lalo pa kayong sumagana!

26Iniuutos ko sa lahat ng tao na nasasakupan ng aking kaharian na matakot at gumalang sa Diyos ni Daniel. “Sapagkat siya ang buháy na Diyos at nabubuhay magpakailanman. Ang paghahari niya ay walang hanggan, at walang makakapagbagsak nito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.