Daniel 6

Hindi ako sinaktan ng mga leon, dahil nagpadala ang Diyos ng kanyang mga anghel upang itikom ang mga bibig ng mga leon. Ginawa ito ng Diyos dahil alam niyang matuwid ang aking buhay at wala akong ginawang kasalanan sa inyo, Mahal na Hari.”

Daniel 6:22 (UKJV) My God has sent his angel, and has shut the lions' mouths, that they have not hurt me: forasmuch as before him innocence was found in me; and also before you, O king, have I done no hurt.

20Pagdating niya roon, malungkot siyang tumawag, “Daniel, lingkod ng buháy na Diyos, iniligtas ka ba sa mga leon ng iyong Diyos na patuloy mong pinaglilingkuran?”

21Sumagot si Daniel, “Mabuhay ang Hari!

22Hindi ako sinaktan ng mga leon, dahil nagpadala ang Diyos ng kanyang mga anghel upang itikom ang mga bibig ng mga leon. Ginawa ito ng Diyos dahil alam niyang matuwid ang aking buhay at wala akong ginawang kasalanan sa inyo, Mahal na Hari.”

23Nang marinig iyon ng hari, nagalak siya at nag-utos na kunin si Daniel sa kulungan. Nang nakuha na si Daniel, wala silang nakitang kahit galos man lamang sa kanyang katawan, dahil nagtiwala siya sa Diyos.

24Nag-utos ang hari na ang lahat ng nagparatang kay Daniel ay hulihin at ihulog sa kulungan ng mga leon pati ang kanilang asawaʼt mga anak. Hindi pa sila sumasayad sa ibaba ng kulungan ay sinunggaban na sila ng mga leon at dinurog ang kanilang mga buto.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.