19Kinaumagahan, nagbubukang-liwayway pa lamang ay nagmamadaling pumunta ang hari sa kulungan ng mga leon.
20Pagdating niya roon, malungkot siyang tumawag, “Daniel, lingkod ng buháy na Diyos, iniligtas ka ba sa mga leon ng iyong Diyos na patuloy mong pinaglilingkuran?”
21Sumagot si Daniel, “Mabuhay ang Hari!
22Hindi ako sinaktan ng mga leon, dahil nagpadala ang Diyos ng kanyang mga anghel upang itikom ang mga bibig ng mga leon. Ginawa ito ng Diyos dahil alam niyang matuwid ang aking buhay at wala akong ginawang kasalanan sa inyo, Mahal na Hari.”
23Nang marinig iyon ng hari, nagalak siya at nag-utos na kunin si Daniel sa kulungan. Nang nakuha na si Daniel, wala silang nakitang kahit galos man lamang sa kanyang katawan, dahil nagtiwala siya sa Diyos.