18Pagkatapos ay umuwi si Haring Dario sa palasyo niya. Hindi siya kumain ng gabing iyon at hindi rin humiling na siya ay aliwin. At hindi siya makatulog.
19Kinaumagahan, nagbubukang-liwayway pa lamang ay nagmamadaling pumunta ang hari sa kulungan ng mga leon.
20Pagdating niya roon, malungkot siyang tumawag, “Daniel, lingkod ng buháy na Diyos, iniligtas ka ba sa mga leon ng iyong Diyos na patuloy mong pinaglilingkuran?”
21Sumagot si Daniel, “Mabuhay ang Hari!
22Hindi ako sinaktan ng mga leon, dahil nagpadala ang Diyos ng kanyang mga anghel upang itikom ang mga bibig ng mga leon. Ginawa ito ng Diyos dahil alam niyang matuwid ang aking buhay at wala akong ginawang kasalanan sa inyo, Mahal na Hari.”