Daniel 6

Kaya pumunta sila sa hari at sinabi, “Mabuhay ang Haring Dario!

Daniel 6:6 (UKJV) Then these presidents and princes assembled together to the king, and said thus unto him, King Darius, live for ever.

4Dahil dito, ang dalawa pang kasama niyang administrador at mga gobernador ay naghanap ng kamalian sa pamamahala ni Daniel upang paratangan siya. Ngunit wala silang makita, dahil si Daniel ay tapat sa kanyang tungkulin at maaasahan.

5Kaya sinabi nila, “Wala tayong maipaparatang kay Daniel malibang makahanap tayo ng kasalanan na may kaugnayan sa kautusan ng kanyang Diyos.”

6Kaya pumunta sila sa hari at sinabi, “Mabuhay ang Haring Dario!

7Kaming lahat na tagapangasiwa ng iyong kaharian, kaming mga pinuno, gobernador, tagapayo, at mga iba pang-opisyal, ay nagkasundong hilingin sa inyo na gumawa ng kautusan at mahigpit itong ipatupad. Iutos po ninyo na kung may mananalangin sa sinumang diyos o tao maliban sa inyo sa loob ng tatlumpung araw ay itatapon sa kulungan ng mga leon.

8Kaya Mahal na Hari, magpalabas na po kayo ng ganoong kautusan. Ipasulat po ninyo at lagdaan upang hindi na mabago o mapawalang-bisa ayon sa kautusan ng ating kahariang Media at Persia.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.