Daniel 6

Kaya sinabi nila, “Wala tayong maipaparatang kay Daniel malibang makahanap tayo ng kasalanan na may kaugnayan sa kautusan ng kanyang Diyos.”

Daniel 6:5 (UKJV) Then said these men, We shall not find any occasion against this Daniel, except we find it against him concerning the law of his God.

3Si Daniel ang natatangi sa kanilang lahat dahil sa kanyang pambihirang kakayahan, kaya binalak ng hari na siya ang gawing tagapamahala ng buong kaharian.

4Dahil dito, ang dalawa pang kasama niyang administrador at mga gobernador ay naghanap ng kamalian sa pamamahala ni Daniel upang paratangan siya. Ngunit wala silang makita, dahil si Daniel ay tapat sa kanyang tungkulin at maaasahan.

5Kaya sinabi nila, “Wala tayong maipaparatang kay Daniel malibang makahanap tayo ng kasalanan na may kaugnayan sa kautusan ng kanyang Diyos.”

6Kaya pumunta sila sa hari at sinabi, “Mabuhay ang Haring Dario!

7Kaming lahat na tagapangasiwa ng iyong kaharian, kaming mga pinuno, gobernador, tagapayo, at mga iba pang-opisyal, ay nagkasundong hilingin sa inyo na gumawa ng kautusan at mahigpit itong ipatupad. Iutos po ninyo na kung may mananalangin sa sinumang diyos o tao maliban sa inyo sa loob ng tatlumpung araw ay itatapon sa kulungan ng mga leon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.