26“ ‘Ngunit hahatulan siya, kukunin ang kanyang kapangyarihan, at lilipulin nang lubos.
27At pagkatapos ay ibibigay sa banal na mga mamamayan ng Kataas-taasang Diyos ang pamamahala at kapangyarihan sa mga kaharian ng buong mundo. Kaya maghahari sila magpakailanman, at ang lahat ng kaharian ay magpapasakop sa kanila.’
28“Iyon ang panaginip ko. Akong si Daniel, ay nabagabag at namutla sa takot. Ngunit hindi ko ito sinabi kahit kanino.”