Daniel 8

Habang nakikipag-usap siya sa akin, akoʼy nakatulog nang mahimbing na nakadapa sa lupa. Ngunit ginising niya ako at ibinangon.

Daniel 8:18 (UKJV) Now as he was speaking with me, I was in a deep sleep on my face toward the ground: but he touched me, and set me upright.

16Pagkatapos, may narinig akong tinig ng tao mula sa Ilog ng Ulai na nagsabi, “Gabriel, ipaliwanag mo sa kanya ang kahulugan ng pangitain.”

17Nang lumapit si Gabriel sa akin, nagpatirapa ako sa takot. Sinabi niya sa akin, “Anak ng tao, dapat mong maunawaan na ang iyong pangitain ay tungkol sa katapusan ng panahon.”

18Habang nakikipag-usap siya sa akin, akoʼy nakatulog nang mahimbing na nakadapa sa lupa. Ngunit ginising niya ako at ibinangon.

19Sinabi niya, “Sasabihin ko sa iyo kung ano ang mangyayari sa hinaharap kapag ibinuhos na ng Diyos ang kanyang galit, dahil naitakda na ang katapusan ng panahon.

20Ang tupang may dalawang sungay ay ang kaharian ng Media at Persia.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.