9Ngunit maawain pa rin kayo, Panginoon naming Diyos, at mapagpatawad kahit na sumuway kami sa inyo.
10Hindi kami sumunod sa inyo Panginoon naming Diyos at hindi namin sinunod ang mga utos na ibinigay ninyo sa amin sa pamamagitan ng inyong mga lingkod na propeta.
11Ang lahat ng Israelita ay sumuway sa inyong Kautusan; ayaw nilang sundin ang mga sinabi ninyo. “At dahil sa aming pagkakasala, dumating sa amin ang sumpa na nakasulat sa Kautusan ni Moises na lingkod ng Diyos.
12Tinupad po ninyo ang inyong sinabi laban sa amin at sa aming mga pinuno na kami ay inyong parurusahan nang matindi. Kaya ang nangyari sa Jerusalem ay walang katulad sa buong mundo.
13Dumating sa amin ang parusang ito ayon sa nasusulat sa Kautusan ni Moises. Ngunit sa kabila nito, hindi namin sinikap na malugod kayo sa amin, Panginoon naming Diyos, sa pamamagitan ng pagtalikod sa aming mga kasalanan at ang pagkilala sa inyong katotohanan.