Daniel 9

Tinupad po ninyo ang inyong sinabi laban sa amin at sa aming mga pinuno na kami ay inyong parurusahan nang matindi. Kaya ang nangyari sa Jerusalem ay walang katulad sa buong mundo.

Daniel 9:12 (UKJV) And he has confirmed his words, which he spoke against us, and against our judges that judged us, by bringing upon us a great evil: for under the whole heaven has not been done as has been done upon Jerusalem.

10Hindi kami sumunod sa inyo Panginoon naming Diyos at hindi namin sinunod ang mga utos na ibinigay ninyo sa amin sa pamamagitan ng inyong mga lingkod na propeta.

11Ang lahat ng Israelita ay sumuway sa inyong Kautusan; ayaw nilang sundin ang mga sinabi ninyo. “At dahil sa aming pagkakasala, dumating sa amin ang sumpa na nakasulat sa Kautusan ni Moises na lingkod ng Diyos.

12Tinupad po ninyo ang inyong sinabi laban sa amin at sa aming mga pinuno na kami ay inyong parurusahan nang matindi. Kaya ang nangyari sa Jerusalem ay walang katulad sa buong mundo.

13Dumating sa amin ang parusang ito ayon sa nasusulat sa Kautusan ni Moises. Ngunit sa kabila nito, hindi namin sinikap na malugod kayo sa amin, Panginoon naming Diyos, sa pamamagitan ng pagtalikod sa aming mga kasalanan at ang pagkilala sa inyong katotohanan.

14Kaya hindi nag-atubili ang Panginoon naming Diyos na parusahan kami; sapagkat ang Panginoon naming Diyos ay palaging matuwid sa kanyang mga ginagawa. Ngunit hindi pa rin kami sumunod sa inyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.