Daniel 9

Kaya hindi nag-atubili ang Panginoon naming Diyos na parusahan kami; sapagkat ang Panginoon naming Diyos ay palaging matuwid sa kanyang mga ginagawa. Ngunit hindi pa rin kami sumunod sa inyo.

Daniel 9:14 (UKJV) Therefore has the LORD watched upon the evil, and brought it upon us: for the LORD our God is righteous in all his works which he does: for we obeyed not his voice.

12Tinupad po ninyo ang inyong sinabi laban sa amin at sa aming mga pinuno na kami ay inyong parurusahan nang matindi. Kaya ang nangyari sa Jerusalem ay walang katulad sa buong mundo.

13Dumating sa amin ang parusang ito ayon sa nasusulat sa Kautusan ni Moises. Ngunit sa kabila nito, hindi namin sinikap na malugod kayo sa amin, Panginoon naming Diyos, sa pamamagitan ng pagtalikod sa aming mga kasalanan at ang pagkilala sa inyong katotohanan.

14Kaya hindi nag-atubili ang Panginoon naming Diyos na parusahan kami; sapagkat ang Panginoon naming Diyos ay palaging matuwid sa kanyang mga ginagawa. Ngunit hindi pa rin kami sumunod sa inyo.

15“Panginoon naming Diyos, ipinakita nʼyo ang inyong kapangyarihan noong pinalaya ninyo ang inyong mga mamamayan sa Ehipto, at dahil dito ay naging tanyag kayo hanggang ngayon. Inaamin namin na kami ay nagkasala at gumawa ng kasamaan.

16Kaya, Panginoon, ayon sa inyong ginagawang matuwid, nakikiusap ako na alisin nʼyo na ang inyong galit sa Jerusalem, ang inyong lungsod at banal na bundok. Dahil sa aming kasalanan at sa kasalanan ng aming mga ninuno, hinamak kami at ang Jerusalem ng mga taong nakapaligid sa amin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.