14Kaya hindi nag-atubili ang Panginoon naming Diyos na parusahan kami; sapagkat ang Panginoon naming Diyos ay palaging matuwid sa kanyang mga ginagawa. Ngunit hindi pa rin kami sumunod sa inyo.
15“Panginoon naming Diyos, ipinakita nʼyo ang inyong kapangyarihan noong pinalaya ninyo ang inyong mga mamamayan sa Ehipto, at dahil dito ay naging tanyag kayo hanggang ngayon. Inaamin namin na kami ay nagkasala at gumawa ng kasamaan.
16Kaya, Panginoon, ayon sa inyong ginagawang matuwid, nakikiusap ako na alisin nʼyo na ang inyong galit sa Jerusalem, ang inyong lungsod at banal na bundok. Dahil sa aming kasalanan at sa kasalanan ng aming mga ninuno, hinamak kami at ang Jerusalem ng mga taong nakapaligid sa amin.
17“Kaya ngayon, O Diyos, pakinggan nʼyo ang aking panalangin at pagsamo. Alang-alang sa inyong pangalan, muli ninyong itayo ang inyong Templong nagiba at napabayaan.
18O Diyos, pakinggan nʼyo ako. Tingnan nʼyo ang nakakawa naming kalagayan at ang wasak nʼyong bayan, kung saan kinikilala ang iyong pangalan. Hindi kami dumadalangin sa dahilang kami ay matuwid, kundi dahil sa alam naming kayo ay mahabagin.