31at sa ilang. Nakita ninyo kung paano kayo inalagaan ng Panginoon na inyong Diyos, katulad ng ama na nag-aalaga sa kanyang anak, hanggang sa makarating kayo sa lugar na ito.”
32Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, hindi pa rin kayo nagtiwala sa Panginoon na inyong Diyos
33na nanguna sa inyong paglalakbay, sa pamamagitan ng apoy sa gabi at ulap kung araw. Inihanap niya kayo ng mga lugar na mapagkakampuhan ninyo at itinuro sa inyo kung saan kayo dadaan.
34Nang marinig ng Panginoon ang pagrereklamo ninyo, nagalit siya at sumumpang,
35“Wala kahit isa sa masamang henerasyong ito ang makakakita ng magandang lupaing ipinangako ko sa kanilang mga ninuno,