44At nakipaglaban sa inyo ang mga Amoreo na naninirahan doon, at para silang mga pukyutang humabol at tumalo sa inyo mula sa Seir hanggang sa Horma.
45Nagbalik kayo at nag-iyakan sa Panginoon, ngunit hindi siya nakinig o sumagot man lang sa inyo.
46Iyan ang dahilan kaya nanirahan kayo nang matagal sa Kades.