9Dapat mo siyang patayin. Ikaw ang unang babato at susunod ang lahat ng tao, para patayin siya.
10Babatuhin siya hanggang sa mamatay dahil tinangka niyang ilayo kayo sa Panginoon na inyong Diyos na naglabas sa inyo sa Ehipto kung saan kayo inalipin.
11Pagkatapos itong marinig ng mga Israelita, natakot sila, at hindi na sila gumawa ng masasamang gawa.
12Kung makabalita kayo na ang isa sa mga bayang ibinibigay ng Panginoon na inyong Diyos na inyong titirhan,
13ay may masasamang taong nag-uudyok sa mga naninirahan sa bayang iyon na sumamba sila sa ibang mga diyos na hindi pa nila nakikilala,