Deuteronomio 14

Huwag din ninyong kakainin ang baboy, dahil kahit biyak ang kuko nito, hindi naman nginunguya ang kinakain nito. Ito ay marumi. Huwag ninyong kakainin ang mga hayop na ito o hahawakan ang kanilang patay na katawan.

Deuteronomy 14:8 (UKJV) And the swine, because it divides the hoof, yet chews not the cud, it is unclean unto you: all of you shall not eat of their flesh, nor touch their dead carcass.

6Maaari ninyong kainin ang anumang hayop na biyak ang kuko at ngumunguya ng kanilang kinain.

7Ngunit huwag ninyong kakainin ang mga hayop na nginunguyang muli ang kinain nito ngunit hindi biyak ang kuko, gaya ng kamelyo, kuneho at daga sa batuhan. Ituring ninyong marumi ang mga hayop na ito.

8Huwag din ninyong kakainin ang baboy, dahil kahit biyak ang kuko nito, hindi naman nginunguya ang kinakain nito. Ito ay marumi. Huwag ninyong kakainin ang mga hayop na ito o hahawakan ang kanilang patay na katawan.

9Maaari ninyong kainin ang anumang hayop na nabubuhay sa tubig na may palikpik at kaliskis.

10Ngunit huwag ninyong kainin ang walang palikpik at kaliskis. Ituring ninyo itong marumi.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.