7at makapaglilingkod siya roon sa Panginoon na kanyang Diyos, katulad ng kapwa niya Levita na naglilingkod doon sa harapan ng Panginoon.
8Makakatanggap din siya ng kanyang bahagi sa mga handog kahit na mayroon pa siyang tinatanggap mula sa iba na kanyang ikinabubuhay.
9Kapag nakapasok na kayo sa lupaing ibinibigay sa inyo ng Panginoon na inyong Diyos, huwag ninyong susundin ang kasuklam-suklam na mga kaugalian ng mga naninirahan doon.
10Wala ni isa man sa inyo na magsusunog ng kanyang anak bilang handog. At huwag din kayong manghuhula, mangkukulam,
11manggagaway, gumagawa ng mga ginagawa ng mga espiritista, at makikipag-usap sa espiritu ng mga patay.