Deuteronomio 19

Kapag nilipol na ng Panginoon na inyong Diyos ang mga mamamayan na ang mga lupain ay ibinibigay niya sa inyo, at kapag napalayas na ninyo sila at doon na kayo naninirahan sa kanilang mga bayan at mga bahay,

Deuteronomy 19:1 (UKJV) When the LORD your God has cut off the nations, whose land the LORD your God gives you, and you succeed them, and dwell in their cities, and in their houses;

1Kapag nilipol na ng Panginoon na inyong Diyos ang mga mamamayan na ang mga lupain ay ibinibigay niya sa inyo, at kapag napalayas na ninyo sila at doon na kayo naninirahan sa kanilang mga bayan at mga bahay,

2pumili kayo ng tatlong lungsod ng kanlungan sa lupaing ibinibigay sa inyo ng Panginoon na inyong Diyos na aangkinin ninyo.

3Hatiin ninyo sa tatlong distrito ang lupaing ibinibigay sa inyo ng Panginoon na inyong Diyos, na may isang lungsod ng kanlungan sa bawat distrito. Ayusin ninyo ang mga daan papunta doon, para ang sinumang makapatay ng tao ay makakatakas papunta sa isa sa mga lungsod na iyon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.