Deuteronomio 2

Kapag nakarating na kayo sa mga Amonita, na mga lahi ni Lot, huwag ninyo silang guguluhin o lulusubin dahil ibinigay kong ari-arian sa kanila ang lupaing iyon, at hindi ko kayo bibigyan kahit na maliit na bahagi nito.”

Deuteronomy 2:19 (UKJV) And when you come nigh opposite to the children of Ammon, distress them not, nor meddle with them: for I will not give you of the land of the children of Ammon any possession; because I have given it unto the children of Lot for a possession.

17sinabi sa akin ng Panginoon,

18“Sa araw na ito, tumawid kayo sa hangganan ng Moab sa Ar.

19Kapag nakarating na kayo sa mga Amonita, na mga lahi ni Lot, huwag ninyo silang guguluhin o lulusubin dahil ibinigay kong ari-arian sa kanila ang lupaing iyon, at hindi ko kayo bibigyan kahit na maliit na bahagi nito.”

20(Ang lupaing iyon ay kilala rin noong una bilang lupain ng mga Refaim, ngunit tinawag silang Zamzumeo ng mga Amonita.

21Napakarami nila at napakalalakas, at matatangkad katulad ng mga lahi ni Anak. Subalit pinuksa sila ng Panginoon at silaʼy itinaboy ng mga Amonita at sinakop ang kanilang lupain.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.