6Pagkatapos, ang lahat ng tagapamahala ng bayan sa pinakamalapit na lugar kung saan nakita ang bangkay ay maghuhugas ng kamay sa ibabaw ng dumalagang baka na binali ang leeg sa lambak.
7At sasabihin nila, “Hindi kami ang pumatay at hindi rin namin nakita kung sino ang pumatay.
8O Panginoon, patawarin nʼyo po ang mga mamamayan ninyong Israelita na inyong iniligtas sa Ehipto. Huwag ninyo kaming papanagutin sa kamatayan ng inosenteng taong ito.” Kung ganito ang gagawin ninyo hindi na kayo pananagutin ng Panginoon sa pagpatay, dahil makikita niya na matuwid kayo.
10Kung nakipaglaban kayo sa inyong mga kaaway at ibinigay sila sa inyo ng Panginoon na inyong Diyos, at binihag ninyo sila,