28Kung nahuli ang isang lalaki na pinagsamantalahan ang isang dalaga na walang nobyo,
29magbabayad ang lalaki ng limampung pirasong pilak sa ama ng babae. Dapat niyang pakasalan ang babae dahil kinuha niya ang kanyang pagkababae, at hindi niya ito dapat hiwalayan habang siyaʼy nabubuhay.
30Hindi dapat makiapid ang anak sa asawa ng kanyang ama, dahil kahiya-hiya ito sa kanyang ama.