Deuteronomio 24

Alalahanin ninyo kung ano ang ginawa ng Panginoon na inyong Diyos kay Miriam nang naglalakbay kayo paglabas sa Ehipto.

Deuteronomy 24:9 (UKJV) Remember what the LORD your God did unto Miriam by the way, after that all of you were come forth out of Egypt.

7Sinuman sa inyo ang kumidnap sa kapwa niya Israelita at ginawa itong alipin o ipinagbili, dapat patayin ang kumidnap. Sa pamamagitan nito, mawawala ang masasamang gawa sa inyong bansa.

8Tungkol sa malubhang sakit sa balat, sundin ninyong mabuti ang mga tuntunin na ipinapagawa sa inyo ng mga pari na mga Levita. Sundin ninyo ang mga iniutos ko sa kanila.

9Alalahanin ninyo kung ano ang ginawa ng Panginoon na inyong Diyos kay Miriam nang naglalakbay kayo paglabas sa Ehipto.

10Kung magpapautang kayo ng kahit ano sa kapwa ninyo Israelita, huwag kayong papasok sa bahay niya para kumuha ng anumang isasanla niya.

11Maghintay lang kayo sa labas at dadalhin niya ito sa inyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.