Deuteronomio 28

Dahil sa takot ninyo sa mga bagay na nakikita ninyo sa paligid, sasabihin ninyo kapag umaga, “Sana, gabi na.” At kapag gabi naman, sasabihin ninyong, “Sana, umaga na.”

Deuteronomy 28:67 (UKJV) In the morning you shall say, Would God it were even! and at even you shall say, Would God it were morning! for the fear of yours heart wherewith you shall fear, and for the sight of yours eyes which you shall see.

65Wala kayong kapayapaan doon at wala rin kayong lugar na mapagpapahingahan. Hindi kayo bibigyan ng Panginoon ng kapanatagan at mawawalan kayo ng pag-asa, at palaging mamumuhay sa kabiguan.

66Laging manganganib ang inyong buhay; araw at gabi kayoʼy matatakot, at walang katiyakan ang inyong buhay.

67Dahil sa takot ninyo sa mga bagay na nakikita ninyo sa paligid, sasabihin ninyo kapag umaga, “Sana, gabi na.” At kapag gabi naman, sasabihin ninyong, “Sana, umaga na.”

68Pababalikin kayo ng Panginoon sa Ehipto sakay ng barko, kahit na sinabi ko sa inyo na hindi na kayo dapat bumalik doon. Ipagbibili ninyo roon ang inyong mga sarili sa inyong mga kaaway bilang mga alipin, ngunit walang bibili sa inyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.