26Sumamba sila at naglingkod sa ibang mga diyos na hindi nila nakikilala, na ipinagbawal ng Panginoon na sambahin nila.
27Kaya nagalit nang matindi ang Panginoon sa kanilang bansa at ipinalasap niya sa kanila ang lahat ng sumpa na nakasulat sa aklat na ito.
28Sa matinding galit ng Panginoon, pinalayas niya sila sa kanilang bansa at ipinabihag sa ibang mga bansa kung saan sila naninirahan ngayon.”
29May mga lihim na bagay na ang Panginoon lang ang nakakaalam, subalit ipinahayag niya sa atin ang kanyang kautusan, at dapat natin itong sundin maging ng ating lahi magpakailanman.