3Kaya ibinigay sa atin ng Panginoon na ating Diyos si Haring Og ng Bashan at ang lahat ng kanyang sundalo. Pinatay natin sila at wala tayong itinirang buháy.
4Inagaw natin ang lahat ng animnapung lungsod niya – ang buong teritoryo ng Argob kung saan naghahari si Haring Og ng Bashan.
5Ang lahat ng lungsod na ito ay napapalibutan ng matataas na pader na may pintuan at kandado. Inagaw din natin ang napakaraming mga baryo na walang pader.
6Nilipol natin sila nang lubusan katulad ng ginawa natin kay Haring Sihon ng Hesbon. Pinatay natin ang lahat ng tao sa bawat lungsod na ating naagaw – mga lalaki, babae at bata.
7Ngunit dinala natin ang lahat ng hayop at mga ari-ariang nasamsam natin sa kanilang mga lungsod.