10Mula noon, wala nang propeta pa sa Israel na katulad ni Moises, na nakakausap ng Panginoon nang harapan.
11Isinugo ng Panginoon si Moises para gumawa ng mga himala at mga kamangha-manghang bagay sa Ehipto laban sa Faraon, sa kanyang mga opisyal at sa buong bansa.
12Wala nang nakagawa pa ng mga makapangyarihan at kamangha-manghang bagay na katulad ng ginawa ni Moises sa harap ng lahat ng Israelita.