24Sapagkat ang Panginoon na inyong Diyos ay tulad ng isang apoy na naglalagablab kapag naninibugho. Ayaw na ayaw niyang may sinasamba kayong ibang diyos.
25Sa bandang huli, kung magkakaanak kayo at magkakaapo, at naninirahan na sa lupaing iyon nang matagal na panahon, huwag ninyong dudungisan ang inyong sarili sa pamamagitan ng paggawa ng mga diyos-diyosan ng anumang anyo. Masama ito sa paningin ng Panginoon na inyong Diyos at makakapagpagalit ito sa kanya.
26Sa araw na ito, itinuturing kong saksi ang langit at lupa laban sa inyo. Kung hindi ninyo ako susundin, hindi kayo magtatagal sa lupain na inyong sasakupin sa kabila ng Jordan. Maninirahan kayo doon nang sandaling panahon lamang, at pagkatapos ay malilipol kayo nang lubusan.
27Ikakalat kayo ng Panginoon sa ibang mga bansa, at kaunti lang ang matitira sa inyo doon sa mga bansa kung saan kayo itataboy ng Panginoon.
28At doon na kayo sasamba sa mga diyos na gawa sa kahoy at bato, na hindi nakakakita, nakakarinig, nakakakain o nakakaamoy.