Deuteronomio 6

upang kayo pati ang mga anak at mga apo ninyo ay magkaroon ng takot sa Panginoon na inyong Diyos habang nabubuhay kayo. Kung susundin ninyo ang lahat ng utos niya at mga tuntunin na ibinigay ko sa inyo, mabubuhay kayo nang matagal.

Deuteronomy 6:2 (UKJV) That you might fear the LORD your God, to keep all his statutes and his commandments, which I command you, you, and your son, and your son's son, all the days of your life; and that your days may be prolonged.

1Ito ang mga utos, katuruan at tuntunin na iniutos ng Panginoon na inyong Diyos sa akin na ituro sa inyo. Sundin ninyo ito sa lupaing inyong sasakupin doon sa kabila ng Jordan,

2upang kayo pati ang mga anak at mga apo ninyo ay magkaroon ng takot sa Panginoon na inyong Diyos habang nabubuhay kayo. Kung susundin ninyo ang lahat ng utos niya at mga tuntunin na ibinigay ko sa inyo, mabubuhay kayo nang matagal.

3Makinig kayo, mga mamamayan ng Israel, at sundin ninyo ang kanyang mga utos para maging mabuti ang inyong kalagayan at upang lalo pa kayong dumami sa lupaing masagana sa gatas at pulot ayon sa ipinangako ng Panginoon, ang Diyos ng inyong mga ninuno.

4Makinig kayo, mga mamamayan ng Israel: Ang Panginoon na ating Diyos ay iisang Panginoon lang.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.