Deuteronomio 6

Nakita namin ang mga dakilang himala at mga kamangha-manghang bagay na ginawa ng Panginoon sa pagpaparusa sa mga mamamayan ng Ehipto, kasama ng Faraon at ng buong sambahayan niya.

Deuteronomy 6:22 (UKJV) And the LORD showed signs and wonders, great and sore, upon Egypt, upon Pharaoh, and upon all his household, before our eyes:

20Sa darating na panahon, kung tanungin kayo ng inyong mga anak, “Ano po ba ang ibig sabihin ng mga katuruan, tuntunin at kautusan na iniutos ng Panginoon na ating Diyos?”

21Sabihin ninyo sa kanila, “Mga alipin kami noon ng hari ng Ehipto, ngunit inilabas kami roon ng Panginoon sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan.

22Nakita namin ang mga dakilang himala at mga kamangha-manghang bagay na ginawa ng Panginoon sa pagpaparusa sa mga mamamayan ng Ehipto, kasama ng Faraon at ng buong sambahayan niya.

23At inilabas niya kami sa Ehipto para dalhin sa lupain na kanyang ipinangako sa ating mga ninuno.

24Inutusan kami ng Panginoon na sundin namin ang lahat ng mga tuntuning ito at magkaroon ng takot sa kanya na ating Diyos, para lagi kaming maging maunlad at mabuhay nang matagal gaya ng nangyayari ngayon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.