Deuteronomio 8

Ginabayan niya kayo sa malawak at nakakatakot na disyerto na may mga makamandag na ahas at mga alakdan. Walang tubig sa lugar na iyon ngunit binibigyan niya kayo ng tubig mula sa bato.

Deuteronomy 8:15 (UKJV) Who led you through that great and terrible wilderness, wherein were fiery serpents, and scorpions, and drought, where there was no water; who brought you forth water out of the rock of flint;

13at dumami na ang inyong mga hayop, pilak, ginto at mga ari-arian,

14siguraduhin ninyong hindi kayo magyayabang at lilimot sa Panginoon na inyong Diyos na naglabas sa inyo sa Ehipto kung saan kayo inalipin.

15Ginabayan niya kayo sa malawak at nakakatakot na disyerto na may mga makamandag na ahas at mga alakdan. Walang tubig sa lugar na iyon ngunit binibigyan niya kayo ng tubig mula sa bato.

16Doon sa disyerto, binibigyan niya kayo ng “manna” – isang pagkain na hindi natitikman ng inyong mga ninuno. Ginawa ito ng Panginoon para magpakumbaba kayo at subukin kayo upang sa bandang huliʼy maging mabuti ang inyong kalagayan.

17Baka sabihin ninyo sa inyong mga sarili, “Sa pamamagitan ng sarili kong kakayahan at lakas, naging akin ang lahat ng kayamanang ito.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.