Deuteronomio 8

Subalit alalahanin ninyo na ang Panginoon na inyong Diyos ang siyang nagbigay sa inyo ng kakayahang maging mayaman, at ginawa niya ito para matupad niya ang kasunduang ipinangako niya sa inyong mga ninuno, katulad ng ginawa niya ngayon.

Deuteronomy 8:18 (UKJV) But you shall remember the LORD your God: for it is he that gives you power to get wealth, that he may establish his covenant which he swore unto your fathers, as it is this day.

16Doon sa disyerto, binibigyan niya kayo ng “manna” – isang pagkain na hindi natitikman ng inyong mga ninuno. Ginawa ito ng Panginoon para magpakumbaba kayo at subukin kayo upang sa bandang huliʼy maging mabuti ang inyong kalagayan.

17Baka sabihin ninyo sa inyong mga sarili, “Sa pamamagitan ng sarili kong kakayahan at lakas, naging akin ang lahat ng kayamanang ito.”

18Subalit alalahanin ninyo na ang Panginoon na inyong Diyos ang siyang nagbigay sa inyo ng kakayahang maging mayaman, at ginawa niya ito para matupad niya ang kasunduang ipinangako niya sa inyong mga ninuno, katulad ng ginawa niya ngayon.

19Ngunit binabalaan ko kayo ngayon, na kung kakalimutan ninyo ang Panginoon na inyong Diyos at susunod kayo sa ibang mga diyos, at sasamba kayo at maglilingkod sa kanila, tiyak na malilipol kayo.

20Kagaya ng pagwasak ng Panginoon sa mga bansa sa inyong harapan, lilipulin din niya kayo kung hindi kayo susunod sa Panginoon na inyong Diyos.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.