3Ano ang pakinabang ng tao sa pagpapakahirap niyang magtrabaho sa mundong ito?
4Lumilipas ang isang henerasyon at itoʼy napapalitan, pero ang mundo ay hindi nagbabago.
5Sumisikat ang araw at pagkatapos ay lumulubog; pabalik-balik lang sa kanyang pinanggalingan.
6Umiihip ang hangin sa timog at pagkatapos ay iihip naman sa hilaga. Paikot-ikot lang ito at pabalik-balik.
7Lahat ng ilog ay umaagos sa dagat, pero hindi naman napupuno ang dagat kahit na patuloy ang pag-agos ng ilog.