2Ilagay mo ang pera mo sa ibaʼt ibang negosyo, dahil hindi mo alam kung anong kalamidad ang darating dito sa mundo.
3Kapag makapal na ang ulap, magbubuhos ito ng ulan sa mundo. At kung saan natumba ang puno, doon iyon mananatili.
4Kung palagi ka lang maghihintay ng magandang panahon, hindi ka makakapagtanim at wala kang aanihin.
5Kung paanong hindi mo nalalaman ang direksyon ng hangin o kung paano lumalaki ang sanggol sa sinapupunan ng kanyang ina, hindi mo rin maiintindihan ang gawa ng Diyos, ang Manlilikha ng lahat ng bagay.
6Maghasik ka ng binhi sa umaga hanggang gabi, dahil hindi mo alam kung alin sa itinanim mo ang tutubo, o kung lahat ito ay tutubo.