Mga Taga-Efeso 2

na kahit itinuring tayong patay dahil sa mga kasalanan natin, muli niya tayong binuhay kasama ni Kristo. (Kaya naligtas tayo dahil lamang sa biyaya ng Diyos.)

Ephesians 2:5 (UKJV) Even when we were dead in sins, has quickened us together with Christ, (by grace all of you are saved;)

3Dati, namuhay din tayong katulad nila. Namuhay tayo ayon sa pagnanasa ng laman at sinunod natin ang masasamang hilig ng katawan at pag-iisip. Sa kalagayan nating iyon, kasama rin sana nila tayo na nararapat parusahan ng Diyos.

4Ngunit napakamaawain ng Diyos at napakadakila ng pag-ibig niya sa atin,

5na kahit itinuring tayong patay dahil sa mga kasalanan natin, muli niya tayong binuhay kasama ni Kristo. (Kaya naligtas tayo dahil lamang sa biyaya ng Diyos.)

6At dahil sa pakikipag-isa natin kay Kristo Hesus, binuhay tayo ng Diyos mula sa mga patay kasama ni Kristo, upang maghari tayong kasama niya sa kaharian sa langit.

7Ginawa niya ito upang sa darating na panahon ay maipakita niya sa lahat ang hindi mapapantayang kasaganaan ng kanyang biyaya sa pamamagitan ng kanyang kabutihan sa atin na nasaksihan natin kay Kristo Hesus.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.