Mga Taga-Efeso 2

At dahil sa pakikipag-isa natin kay Kristo Hesus, binuhay tayo ng Diyos mula sa mga patay kasama ni Kristo, upang maghari tayong kasama niya sa kaharian sa langit.

Ephesians 2:6 (UKJV) And has raised us up together, and made us sit together in heavenly places in Christ Jesus:

4Ngunit napakamaawain ng Diyos at napakadakila ng pag-ibig niya sa atin,

5na kahit itinuring tayong patay dahil sa mga kasalanan natin, muli niya tayong binuhay kasama ni Kristo. (Kaya naligtas tayo dahil lamang sa biyaya ng Diyos.)

6At dahil sa pakikipag-isa natin kay Kristo Hesus, binuhay tayo ng Diyos mula sa mga patay kasama ni Kristo, upang maghari tayong kasama niya sa kaharian sa langit.

7Ginawa niya ito upang sa darating na panahon ay maipakita niya sa lahat ang hindi mapapantayang kasaganaan ng kanyang biyaya sa pamamagitan ng kanyang kabutihan sa atin na nasaksihan natin kay Kristo Hesus.

8Sapagkat dahil sa biyaya ng Diyos ay naligtas kayo nang sumampalataya kayo kay Kristo. Kaloob ito ng Diyos, at hindi galing sa inyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.