Mga Taga-Efeso 2

Hindi ito nakasalalay sa mabubuti ninyong gawa, upang walang maipagmalaki ang sinuman.

Ephesians 2:9 (UKJV) Not of works, lest any man should boast.

7Ginawa niya ito upang sa darating na panahon ay maipakita niya sa lahat ang hindi mapapantayang kasaganaan ng kanyang biyaya sa pamamagitan ng kanyang kabutihan sa atin na nasaksihan natin kay Kristo Hesus.

8Sapagkat dahil sa biyaya ng Diyos ay naligtas kayo nang sumampalataya kayo kay Kristo. Kaloob ito ng Diyos, at hindi galing sa inyo.

9Hindi ito nakasalalay sa mabubuti ninyong gawa, upang walang maipagmalaki ang sinuman.

10Nilikha tayo ng Diyos; at sa pakikipag-isa natin kay Kristo Hesus, binigyan niya tayo ng bagong buhay, upang gumawa tayo ng kabutihan na noon paʼy itinalaga na ng Diyos na gawin natin.

11Alalahanin ninyo ang inyong kalagayan noon bilang mga Hentil. Ipinanganak kayong Hentil at sinasabi ng mga Hudyo na wala kayong kaugnayan sa Diyos dahil sa hindi kayo katulad nila na mga tuli, pero ang pagkakatuling ito ay sa laman lang.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.