1Sa kadahilanang ito, akong si Pablo ay nakabilanggo ngayon dahil sa paglilingkod ko kay Kristo Hesus, sa pamamagitan ng pagtuturo ko sa inyong mga Hentil.
2Siguradong nabalitaan ninyo na ipinagkatiwala sa akin ng Diyos ang pagpapahayag ng biyaya niya para sa inyo.
3Gaya ng nabanggit ko sa sulat na ito, ang Diyos mismo ang nagpahayag sa akin tungkol sa kanyang lihim na plano.
4Habang binabasa ninyo ang sulat kong ito, malalaman ninyo ang pagkakaunawa ko sa planong ito patungkol kay Kristo.