5iisang Panginoon, iisang pananampalataya, at iisang bautismo.
6Iisa ang Diyos at siya ang Ama nating lahat. Naghahari siya, kumikilos at nananahan sa ating lahat.
7Ngunit binigyan ang bawat isa sa atin ng kaloob ayon sa nais ibigay ni Kristo.
8Tulad ng sinasabi sa Kasulatan: “Nang umakyat siya sa langit, marami siyang dinalang bihag at binigyan niya ng mga kaloob ang mga tao.”
9(Ngayon, ano ang kahulugan ng, “Umakyat siya sa langit”? Ang ibig sabihin nito ay bumaba muna siya rito sa lupa.