Mga Taga-Efeso 4

Iisa ang Diyos at siya ang Ama nating lahat. Naghahari siya, kumikilos at nananahan sa ating lahat.

Ephesians 4:6 (UKJV) One God and Father of all, who is above all, and through all, and in you all.

4Sapagkat iisang katawan lamang tayo na may iisang Espiritu, at iisa rin ang pag-asang ibinigay sa atin nang tawagin tayo ng Diyos;

5iisang Panginoon, iisang pananampalataya, at iisang bautismo.

6Iisa ang Diyos at siya ang Ama nating lahat. Naghahari siya, kumikilos at nananahan sa ating lahat.

7Ngunit binigyan ang bawat isa sa atin ng kaloob ayon sa nais ibigay ni Kristo.

8Tulad ng sinasabi sa Kasulatan: “Nang umakyat siya sa langit, marami siyang dinalang bihag at binigyan niya ng mga kaloob ang mga tao.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.